Thursday, May 31, 2018

Maikling Kwento

Bakit mas Maliwanag ang Araw kaysa Buwan?

Noong unang panahon, may dalawang magkapatid na babae. Maganda ang kalooban ni Araw, ang mas matandang kapatid. Pero, si Buwan ay malupit at hindi tapat.

Isang gabi, nanaog sa lupa ang Diyos mula sa langit. Nagbigay siya ng brilyante kay Araw. Hindi nagbigay ang Diyos ng regalo kay Buwan dahil hindi kasing-ganda ang kalooban nito.

Galit na galit si Buwan. Dahil dito, pumunta si Buwan sa langit at nagnakaw siya isang brilyante ng Diyos. Noong bumalik siya sa lupa, natuklasan niya na ang kanyang brilyante ay hindi kasingliwanag ng brilyante ni Araw. Mas lalong nagalit si Buwan.

Nang nalaman ng Diyos ang tungkol sa pangyayari, inutusan niya ang dalawang anghel sa lupa para parusahan ang malupit na babae. Pero, umabuso ang dalawang anghel at ibinato nila ang dalawang magkapatid sa dagat. Tapos, ibinato rin nilang paitaas ang dalawang brilyante sa langit.

Nagdikit sa langit ang dalawang brilyante. Ngayon, ang mas maliwang ay tinatawag na Araw at ang pangalawang brilyante ay tinatawag na Buwan.

Sa ibang bersyon naman ay ipinaliwanag kung bakit mataas ang langit
Noong unang panahon, malapit na malapit ang langit sa lupa. Maaring mahipo iyon.

Nakatira ang dalawang magkapatid na lalake sa kanilang mga magulang. Ang mga pangalan nila ay Mando at Lino. Walang anak na babae ang mga magulang nila at dahil doon si Lino ang gumagawa ng mga gawaing-bahay.

Pabayang trabahador si Lino. Kung bumayo siya ng palay ay natatapon ang kalahati sa lupa. Ayaw niya ang trabahong bumayo ng palay.

Isang araw, bumayo si Lino ng maraming-maraming palay. Tuwi siyang nagtaas ng halo, hinahampas niya ang langit. Tumaas ng tumaas ang langit.

Noong matapos siya, naging mataas ang langit na katulad ngayon.

Mga Aral:

  1. Iwasan ang pagiging mainggitin sa kapwa. Maging mabuti sa lahat ng pagkakataon dahil ito ang nais ng Diyos.
  2. Maging mahusay sa lahat ng iyong mga ginagawa upang hindi masayang ang oras na iyong inilaan sa pagtatrabaho.

Maikling Kwento

Bakit Mataas ang Langit?


Noong unang panahon ay may mag-ina ang nakatira sa isang bahay-kubo. Ang anak na si Maria ay may suklay na ginto at kuwintas na may butil-butil na ginto. Halos araw-araw ay isinusukat niya ang suklay at kuwintas at tinitingnan niya sa kanyang anino sa tubig kung siya ay maganda. Isang araw nang isinusukat ni Maria ang suklay at ang kuwintas ay tinawag siya ng kanyang nanay.

“Maria, magbayo ka ng palay,” ang wika ng ina.

“Opo,” ang sagot ni Maria, nguni’t hindi siya kumilos.

“Maria, magmadali ka,” ang tawag na muli ng matanda. “Wala tayong bigas na isasaing.”
“Opo, sandali po lamang,” ang tugon ni Maria, nguni’t hindi niya inaalis ang kanyang tingin sa kanyang anino sa tubig.
“Maria, sinasabi ko na sa iyong magbayo ka ng palay. Madali ka,” ang galit na galit na utos ng matanda.
Tumindig si Maria at tuloy-tuloy siya sa lusong ng palay. Hindi na niya naalis ang suklay at kuwintas. Nalalaman niyang kapag galit na galit na ang kanyang nanay ay dapat siyang sumunod nang madali. Nagbayo na siya nang nagbayo ng palay. Pagkatapos ng ilang sandali, siya ay pinawisan.
“Napupuno ng pawis ang aking kuwintas,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili.
“Hinubad niya ang kuwintas. Inalis ang kanyang suklay. Isinabit ang mga ito sa langit na noon ay mababang-mababa at naabot ng kamay. Samantalang siya ay nagbabayo ay tinitingnan ang suklay at kuwintas.
“Kay ganda ng aking suklay at kuwintas,” ang wika ni Maria sa kanyang sarili. “Pagkatapos na pagkatapos ko nang pagbabayo ng palay ay isusuot ko uli ang aking suklay at kuwintas.”
Sa gayong pagsabi ay dinalas niya ang pagbabayo ng palay upang ito ay matapos at maisuot niya uli ang suklay at kuwintas. Tumaas ng tumaas ang pagbuhat niya ng halo at dumalas nang dumalas ang pagbagsak nito sa lusong. Umaabot na pala ang dulo ng halo sa langit, nguni’t hindi niya napapansin. Sa palay na ngayon ang kanyang tingin. Tinitingnan niya kung malapit na siyang makatapos upang maisuot niya ang suklay at kuwintas. Itinaas pa niyang lalo ang pagbuhat ng halo upang lumakas ang pagbagsak nito sa lusong at nang madaling mabayo ang palay.
Sa bawat pagtaas pala niya ng halo ay bumubunggo ang halo sa langit at sa bawat pagbunggo naman ay tumataas ang langit. Nang mapuna ni Maria ang nangyayari ay mataas na ang langit. Tangay-tangay ang kanyang gintong suklay at kuwintas. Hindi na niya maabot ang mga ito.
Tumaas nang tumaas ang langit. Tumaas din nang tumaas ang suklay at kuwintas. Noong gabing yaon ay umupo si Maria sa may bintana at tinintingnan niya ang langit na ngayon ay mataas na mataas na. Hinanap niya ang kanyang suklay at kuwintas. Naroroon ang kanyang gintong suklay at siyang naging buwan. Ang mga gintong butil ng kanyang kuwintas at nagkahiwa-hiwalay at siya namang naging mga bituin.
“Lalong maganda ngayon ang aking gintong suklay,” ang wika ni Maria sa kanyang sarali, “At anong kinang ng mga butil ng aking kuwintas!”

Mga Aral:
  1. Sumunod kaagad sa pinag-uutos ng magulang upang hindi mapagalitan.
  2. Kung may ginagawa kang isang bagay ay gawin ito ng may kaayusan at huwag magmadali.
  3. Mag-pokus sa anumang iyong ginagawa upang matapos mo ito sa tamang oras.

Ang Alamat ng Mais

Ang Alamat ng Mais


Tumatakas ang binata at dalaga, magsing-irog na hinahabol ng mga alagad ng batas.

Yakap ng binata ang supot ng mga alahas - mga pulseras, kuwintas, hikaw, singsing na ninakaw niya sa mga libingan.

Nakatakas si Mando sa mga guwardiya sa tulong ng dalaga at kapagkaraka ay silang dalawa na ang tinutugis ng mga ito.

Hindi nagtagal at nahuli sila. Ang babae ay pinakawalan, ang lalaki ay itinali sa puno para ubusin ng langgam.

"Sana'y hindi siya nakita ng matandang babae na nagkakataong may dinadalaw sa libingan," taghoy ni Delia habang nakalupagi sa tabi ng bangkay ng kanyang mahal, "Disin sana ay malayo na kami, at nagbabagong buhay. Pangako niya."

Pagkaraan ng ilang araw, napansin ni Delia na may mga halamang tumubo sa palibot ng punong kinamatayan ni Mando.

Kakatuwa ang bunga dahil may busil na nababalutan ng hile-hilerang mga butil na tila mga hiyas - may puti, may dilaw, may mapula-pula, mga alahas na ninakaw ni Mando at ibinaon sa malapit sa punong kinamatayan.

Inalagaan ni Delia ang halaman at pinarami pa niya ang mga ito para saan man siya magtungo ay magpapaalala sa kanya ng mahal niyang si Mando.

At iyon nga ang alamat ng Mais.

Pangungusap at Parirala

Ano ang Pangungusap at Parirala?


Pangungusap


  • Ang pangungusap ay isang salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa o kaisipan.  A sentence is a word or group of words expressing a complete meaning or thought.


Mga Halimbawa:

1. Si Itay ay nagpunta sa doktor upang magpagamot.

2. Ako ay kakain ng gulay upang maging malusog ang aking katawan.

3. Si Andy ay pupunta sa Maynila para makita ang kanyang Ama.

4. Si Glen ay magsisimba samantalang kami manunuod ng sine.

5. Nagluluto na ako ng ulam nang sila ay dumating.
6.Araw-araw nagdadala si Aling Lucia ng paninda sa bayan
7. Uminom si Fred ng gatas.
8. Nalunod ang bata.
9. Umuulan!
10.ng ibon ay lumilipad.
11.Umuulan!
12. Ang ibon ay lumilipad.


Apat na Uri ng Pangungusap

1. Pasalaysay o paturol
Halimbawa:
Malapit na ang pista dita sa atin.
Ang puno ay matibay.

2. Patanong
Halimbawa:
Maghahanda po ba tayo?
Paano ba gawin ito?


3. Pautos o Pakiusap
Halimbawa:
Mag-imbita kayo ng mga kaibigan. Maari po ba kaming mag-mbita sa pista?
Pakikuha nga ng bag ko.
Magsalita ka nga ng maayos.

4. Padamdam
Halimbawa:
Naku! Ang ganda ng palamuti sa daan.


Parirala 


  • Ang parirala ay isang salita o  lipon ng mga salita na hindi nagpapahayag ng buong diwa.  A phrase is a word or group of words not expressing a complete meaning or thought.


  • Ang parirala ay mga lipon ng salita na walang simuno at panaguri at ginagamit lamang sa bahagi ng pangungusap.


Mga Halimbawa:

1.paglipas ng panahon
2.walang sinasabi
3.nakadikit lang
4.ang hindi maalwan
5.masigasig sa una
6.sa ibang bansa.
7.Mga Pilipinong manggagawa
8.Ang matabang bata
9.Masarap na pagkain
10.Ang maingay na mga tao
11.Maingay na pinaandar
12.Dahan-dahang inakyat ang pader
13.Nakabuo ng grupo
14.Binalikan ni Harold
15.Nabubulok ang mga prutas
16.Marunong ako magluto
17.Matiyagang pinag-aralan ni James
18.Tuwing kaarawan ni Lisa


Uri ng Parirala

1. Pariralang pandiwa - Ito ay pariralang binubuo ng pandiwa at pang-uri o lipon nito.

2. Pariralang Pang-ukol- Ito ay binubuo ng pang-ukol at ang layon nito.

Halimbawa: Huwag kayong gagawa ng labag sa batas.

3. Pariralang Pawatas - Ito ay pagsasama ng pawatas na anyo ng pandiwa at ng layon nito.

Halimbawa: Ang magsabi ng katotohanan ay mahirap gawin minsan.

4. Parirala sa Pangngalang Diwa - Pagsasama ng panlaping pag + salitang ugat + pag-uulit ng unang pantig ng salitang ugat + layon nito.

Halimbawa: Ang paglalakad sa batuhan ay mahirap.

5.Pariralang Pandiwa - Pagsasama ng panlaping naka + salitang ugat + layon nito o kaya ay pagsasama ng pantukoy na ang + pang-ngalang diwa + layon nito. Tumutukoy sa aksyon.

Halimbawa: Ang nakatayo sa unahan ng klasrum ay ang pinakamahusay na mag-aaral.
Gamit ng Parirala sa Pangungusap

6. Pariralang Pangngalan- Ang parirala ay ginagamit bilang isang pangngalan.

Halimbawa: Ang tanging pinahahalagahan ni Mayie ay "ang pagmamahalan nila ng kanyang kasintahan."


Simuno

Ang parirala ang pangunahing diwa ng pangungusap.

Halimbawa: Laging' tinatandaan ni Domeng ang ukol sa kanyang kinabukasan
ang mabuting mamayan ay nagbabayad ng buwis

Kaganapang Pansimuno
Ang parirala ay ipinapakilala ang simuno

Halimbawa: Ang tinalakay nina Feliz at Edward ay tungkol sa ikauunlad ng bayan.

Pamuno sa Simuno
Ang simuno at ang pariralang nasa bahagi ng paksa ay iisa lamang.

Halimbawa: Si Gail, ang pinuno ng aming klase, ay isang manunulat na.

Pariralang Pang-uri
Ang parirala ay ginagamit upang mag-bigay turing sa pangngalan o panghalip.

Halimabawa: Si Bianca ay isang babaeng may kalukuhan.

Pariralang Pang-abay
ang parirala ay sumasagot sa tanong na saan at kailan.

Halimbawa: Ang bata ay pupunta sa parke.

Wednesday, May 30, 2018

Uri ng Tayutay

Mga Uri ng Tayutay


1.Pagtutulad (simile) – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
  • Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaibaulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa sa pangkalahatang anyongunit may mga pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.


Halimbawa:
Gaya ng halamang lumaki sa tubig
Ako’y tila isang nakadipang kurus
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
Ang buhay ay tulad ng isang batis


2.Pagwawangis (metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
  • Ito ay  isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag ng ibang bagay. ibang bagay. Sa madaling salita, sa pagwawangis ay inaalis ang hambingang salita’t pariralang ginamit sa pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.


Halimbawa:
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanggulan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
         
Si Elena ay isang magandang bulaklak.
Ellen is a beautiful rose.

Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel. 
Those taking care of me are angels.

Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
Their house is a large palace.

Si Inay ay ilaw ng tahanan.
Mom is the home’s light.

Si Miguel ay hulog ng langit.
Michael is a gift from heaven.

Paunawa: Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaaring palawakin sa isang
pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na maaaring     
tipiinnaman sa isang pagwawangis.


Halimbawa:
Pagtutulad: Kaakit-akit ang KANYANG MGA   MATANG ANAKI’Y BITUIN.
Pagwawangis: Kaakit-akit ang kanyang mga   MATANG BITUIN.

3.Pahalintulad (analogy) – Ito ay isang tayutay na may tambalang paghahambing na nagangahulugan  ng  pagkakawangki ng  mga pagkakaugnay.


Halimbawa:

Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.

Ang puso mo ay gaya ng bato. 
Your heart is like a stone.

Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
Weaving cloth is like the suffering of a person.

Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.

Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa. 
Your love is like water − flavorless.

Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Your promises are like air.

Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw. 
Under foreigners, the Philippines became like a carabao.

Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.

Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
The cloud is akin to a person’s face.

4. Pahambing (comparison) – Ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o nagpapalagayna ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o kauring kapwa angkin ng mga ito. Balangkas: S A ay….ni B

Halimbawa:

Pahambing na magkatulad:
-magkasingganda
-magkasinghusay
-magkasinggaling
-parehong makulit
-kapwa magalang

pahambing na di-magkatulad:
-higit na maganda
-lalong mahusay
-mas magaling
-higit na makulit



Tandaan: Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng unlaping
      sing-, maging-, at magkasing- at ang iba pang anyong maraamihan ng mga ito,
      gayundin ay maaaring gamitan ang gaga o gangga -  bilang unalapi sa
      hambinganag magkatulad.

5.Pagsasatao (personification) – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

  • Ito ay tayutay na paglilipatsa katangian ng tao sa mga walang buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga tao na may damdamin, kaisipan, nagsasalita, nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi ring paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.

Halimbawa:
  1. Humagulgol ang hangin.
  2. Lumipad ang mga oras.
  3. Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
  4. Sumayaw ang mga bituin sa langit.
  5. Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
  6. Nagkasakit ang kotse ko.
  7. Kinindatan ako ng araw.
  8. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
  9. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
  10. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
  11. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

6.Paurintao / Paglilipat-wika  (transferred epithet) – Ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.


  •  tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.


Halimbawa:

1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.


7.Pangitain (vision) – Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang    nilalaman ng isip ay animo’y tunay nakaharap o nakikita ng makata.


Halimbawa:



Tayo na pangarap at ating galain

Ang di nakikitang pook-salimsim
ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo ay magpakpak
ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
sa may panginorin

Sa tulang “Isang Patunguhan” Ni A.G. Angeles

8.Panawagan (apostrophe) – May kagyat na pagputol sa naunang paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o bagay, karaniwan nang  isang  patay o isang  harayahing bagay.


Halimbawa:



1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.

5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi

9. Padamdam (exclamation) – Nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin.


Halimbawa:
“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.
Irog, sumama ka at kakilala mo!
May ilang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!
Nang ihuhulog na ang kabaong . . . NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!

-Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita” Ni  Jose Corazon de Jesus

10.Patalinghaga (allegory) – Ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang ipinahihiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga talinghaga.


Halimbawa:
“Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadamba, damadamba kapag renda’y hinahatak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak”
Sa tulang “Erotique” Ni Frederico Licsi  Espino Jr.

Ang magdamag niya
ay nakipaglamay sa gabing naidlip
na may simulaing
may bigkis na giting na hindi mapabatid;
taglay ang pag-asa
at init, adhikaing hindi rin nanlamig
sa huling hantungang
hihimlayan niyang sariling daigdig

Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na Walang pamagat


11.Balintuna (irony) – Ito ay isang tayutay na sa pamamagita nito ang kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.


Halimbawa:

  1. Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
  2. Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
  3. Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

12.Pauroy o mapang-uyam (sarcasm) –   Ito ay isang tayutay na ipinahihiwatig sa paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.


Halimbawa:


  1. Iginagalang. Dinarakila sa gawain niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng balana; siya ay minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay isang halimaw.
  2. Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo.

13.Pagmamalabis (hyperbole) – Ito ay isang tayutay na ang ang kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.


Halimbawa:

Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
My hair turned white from waiting.

Paliwanag: Namuti ba talaga ang buhok? Siyempre hindi. Isa lamang itong paraan ng pananalita, at ito nga ay halimbawa ng pagmamalabis.

Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
The whole world heard your crying.

Paliwanag: Talaga bang narinig ng bawat tao sa mundo ang pag-iiyak niya? Siyempre hindi. Ang ganitong patalinghagang pagpapahayag ay nagbibigay-diin sa ating gustong ipaalam.

Sa halip na simpleng “Talagang mahal na mahal kita.” maaari mong sabihin “Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.”

Paliwanag: Kahit ang iyong pag-ibig ay walang pakpak at hindi makasasakay sa eroplano para umabot sa langit (literal na kahulugan), maiintindihan ng nakikinig ang iyong sabihin.


14.Paradoha (Paradox) – Ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay  isang pahayag na sa biglang akala’y  magkasalungat ngunit kung masusing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.  



Halimbawa:

“Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay
“Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!”

Kung ito’y totoo, siya ay bulaan. -Lirio G.Mendoza-


15.Pagpapalit-saklaw (Synedoche) – Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.


Halimbawa:
                  1.  Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
                  2.  Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
                  3. Ipakilala natin sa buong baya na tayo’y may  pagkakais


16.Pagpapalit-tawag (metonymy) – Ito ay isang uri ng tayutay na gingamit sa pagpapalit ng        pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkakaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan. “Siya’y laking iskwater”, ibig sabihin nito’y basagulero o palaaway.


Halimbawa:

“Ang pag-ibig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.”


17.Patambis (anithesis) –Ito ay isang paglalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng pangugusap laban sa isa pa na sinasalungat niyon.



Halimbawa:

            “Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno,
            Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;
            Susdod hindi sundang! Punla hindi Punlo!
            Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!”   

Sa tulang “Pawis Hindi Dugo” ni  Teo S. Baylen


18.Patiwas (epigram) –Ito ay isang mahayap o patambis na kasabihan tungo at nagwawakas sa isang malundo o matalinong kaisipan.


Halimbawa:

            At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin
            Ang tawag ng bayan ay maginoo rin!
            Ating pag-uugali nang ang suwi ng saging,
            Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!
            Mana-manang yaman sa habang panahon,
            Walang anu-ano ang bata’y naulol!
            At ang mga tao ay nakapagtanong:
            “Kakayamang tao, bakit nagkaganon?”
            At ang pangyayari ang sumagot naman:
            “Iyang ama nya’y baliw nang namatay,
            Namana ang pilak, ano’t pagtatakhang
            Manahin sa ama pati kabaligtaran


Sa tulang “Ang Maginoo” ni  Jose Corazon de Jesus


19.Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mat o pampalitong sinasalita upang maging pahulaan.


Halimbawa:
            Kung babayaan mong ako ay mabuhay
            Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
            Datapwat pag ako’y minsanang pinatay,
            Ang buhay kong ingat lalong magtatagal - Kandila

20.Pasaliwa (apostrophe) – Ito ay isang  pagsasaliwa ng kinagawian o katutubong ayos ng mga salita.

Halimbawa:
“Ang hilaw na hininog sa pilit ay hilaw pa rin, namnamin    man ay mapait,”

Kasabihan:
“Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.” - Simon A. Mercado

21.Pahidwa (oxymoron) – Ito ay isang paraan ng pagpapahayag  na nagbubunga ng isang bisa sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.


Halimbawa:

            Noon ko nakitang ANG MALULUNGKOT AY SUMAYA
            Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina               
            No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA                      
            Pagkat sa  LUMBAT N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.


22.Pag-uulit (germination) – Ito ay pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga taludtod ng tula.


Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.

Halimbawa:

 1. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.

2. Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan

3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.

4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.

5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.


Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.

Halimbawa:


  1. Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
  2. Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
  3. Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.


Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.

Halimbawa:

Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;

Angkinin ko ng siyay mahalin,

Mahalin ko ng kami ay magsaya.

Kailangan kong gawin ng itoy baguhin
Baguhin koman ng itoy magisnan;

Magisnan ng lahat ng matalino,

Matalino ang mas nakakaalam.

Ang lahat na bagay ay siyasatin
Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;

Sundin moman na walang gawiin,

Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.

Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.

Halimbawa:


  1. Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
  2. Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
  3. Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.


Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.

Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

23.Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan.


    Halimbawa:

Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.

24. Pagtanggi (litotes) – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.


1. Siya ay hindi isang kriminal.
2. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.


Pasukdol o Klaymaks – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.


Halimbawa:

Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.
Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating na ang bagyo.
Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy
Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.

3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.

Retorika na Tanong-  hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.

Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?

Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.

Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)

Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.

Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.

Tuesday, May 22, 2018

Alamat ng Buwan at Bituwin

Alamat ng Buwan at Bituwin


Noong Kauna-unahang panahon, ang langit daw ay napakababa. Abot na abot ng mga tao at maari nga raw pagsabitan ang mga alapaap ng kanilang mga gamit, mga damit at maliliit na kasangkapan.

May isang babae na kumuha ng isang salop na palay sa sako para bayuhin at gawing bigas. Ibinuhos ang palay sa lusong at handang babayuhin na nang maalalang tanggalin muna ang kanyang pulseras, kuwintas at mga singsing. Pati suklay na may mga batong makinang ay tinanggal rin. Isinabit niya ang mga alahas sa mababang alapaap at nagsimulang magbayo.

Sa bawat pagtaas niya ng pagbayo, nauumpog niya ang langit. "Sana nama'y mataas ang langit para hindi laging nauumpog kapag nagbabayo ako ng palay."

Katanghaliang tapat ng sinabi niya ito, at may paniniwala ang mga tao noon na sa oras na ganoon, ang lahat na naisin ninuman ay mangyayari.

Naalala ng babae ang isinabit niyang alahas ngunit huli na, kasama na ng langit sa pagtaas.

Hindi na niya nakuhang muli. Ang mga alahas na iyon ay nasa langit pa hanggang ngayon dahil naging maningning na buwan at mga bituwin.

Iyon ang sinasabing alamat ng buwan at bituwin. 

Alamat ng Mangga

Alamat ng Mangga

Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya ng kanyang mga nasasakupan. Siya ay si Haring Ernesto. Sa isang banda ay gusto naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng disiplina. Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot sa parusang iginawad ng hari.
Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian. Nagpaimbistiga si Haring Ernesto. Nalaman niya na nakatulog pala ang kawal na bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo. Agad niyang ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa oras ng trabaho. Sinabi ng kawal na puyat ito dahil sa pagbabantay sa anak na may sakit.
“Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga bilanggo!” anang hari. Hindi nakasagot ang kawal. Alam nito na siya ang may pagkakamali. Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang parusa sa kapabayaan.
Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap sila na pakawalan ang kawal ngunit hindi pumayag si Haring Ernesto. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang umiyak. Nang malapit na ang kaarawan ng hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa mga nasasakupan. Ayon sa patalastas, ang sinumang makapagdadala na wala pa ang hari o pagkaing hindi pa natitikman ay makahihiling sa kanya at kanya namang ipagkakaloob.
Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong maisip na maaaring ibigay sa hari. Naisip nitong yayain sa gubat ang anak para maghanap ng kahit anong maibibigay sa hari. Inabot sila ng pagod at gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa kanilang harapan. May hawak na dalawang malalaking bunga ng halaman ang diwata. Kulay berde iyon. Noon lang nakakita ang mga ito ng ganoong bunga.
“Ito ang ibigay ninyo sa hari,” sabi ng diwata. “Itago muna ninyo ito sa inyong bigasan at ilabas mismo sa kaarawan ng hari.”
“A-ano po ba ang bungang ito?” tanong nila.
“Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa lupa. Sa aming daigdig lamang meron niyan at itinuring naming sagrado ang bungang iyan.”
“Maraming-maraming salamat po!” sabi ng mag-ina at nagpaalam na sa diwata. Tuwang-tuwa nag-siuwi ang mga ito.
Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang kaarawan ng hari ay kinuha nito ang dalawang bunga. Nanggilalas ito nang makitang naging dilaw ang bunga at mabangong-mabango.
Maging ang hari ay nanggilalas nang makita ang dalawang hinog na bunga na nasa amoy palamang ay mukha ng napakasarap. Agad niyang kinain ang isa at lubha siyang nasarapan.
‘Anong pangalan ng bungang ito ?” tanong ng hari.
“Mangga po”, sabay na wika ng mag-ina.

“Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito. Saan galling ito?”“Bigay po sa amin ng isang diwata.”“Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin mo.” Sabi niya sa asawa ng kawal.“Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa,” sabi ng babae.“Matutupad ang iyong kahilingan.”
Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari ay binigyan pa ng kaunting halaga ang mag-asawa. Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga iyon upang muli siyang makatikim ng pambihirang bunga.
Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon ng kanyang mga nasasakupan. Nagtanim din ng mga buto ang mga tao. Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga.

Mga Aral ng Kwento:

  • Kinalulugdan ng marami ang taong may isang salita at ang pagtupad sa pangako ay isang magandang halimbawa na dapat tularan.
  • Hindi masama ang pagkakaroon ng mahigpit na pinuno kung ito naman ay makatutulong sa pag-unlad ng pamayanan at walang nasisikil na karapatan ng taumbayan.


Alamat ng Bayabas

Alamat ng Bayabas


Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya ng kayamanan niya.

Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa kaharian ay inutusang magtipid upang maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.

Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid maliban sa isang tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod sa kanyang utos. Walang itong pakialam na naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay ng kanyang kayamanan sa mga walang kwentang mga bagay.

Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin. Iba’t ibang putahe ng iba’t ibang mahal na klase ng pagkain ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya lamang ang kakain ng mga pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain. Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na itong masira at hindi na puwedeng makain.

Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip, pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy ng pulubi.

Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang hari ay naging isang ganap na halaman.

Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.

Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.

Ang Alamat Ng Bulkang Mayon

Ang Alamat Ng Bulkang Mayon



Ang pinuno ng mga Bikolano ay si Raha Makusog. Mayroon siyang kaisa-isang anak na dalaga, si Daragang Magayon na ang ibig sabihin ay Dalagang Maganda.

Kilalang-kilala ang kagandahan ng prinsesa hanggang sa malalayong pook. Marami siyang manliligaw at isa na rito si Pagtuga, isang mayaman, bantog na mandirigma nguni't masama ang ugali pagdating sa kayamanan.

Nakarating sa katagalugan ang usap-usapan tungkol sa magandang dalaga, Nabalitaan ito ni Ginoong Alapaap na anak ng isang lakan. Maganda ang kanyang tindig, matalino at magalang. Ibig niyang mapatunayan ang kagandahan ni Daragang Magayon kung kaya't siya ay naglakbay patungong Bikol.

Matagal na nagmasid si Alapaap sa ilog na ayon sa nagsabi sa kanya ay doon madalas maligo si Daragang Magayon. Nagbunga naman ang kanyang pagsisikap. Minsan ay naligong mag-isa si Daragang Magayon sa ilog, nguni't sa kasamaang-palad ay na dupilas ang dalaga at nahulog sa tubig na may kalaliman. Mabilis na tumalon sa tubig si Alapaap upang iligtas ang babae.

"Sino ka?" tanong ng dalaga. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Huwag po ninyong ikagagalit. Isa po akong hamak na Tagalog buhat pa sa malayong lugar upang masilayan lamang ang iwi mong kagandahan. Ibig ko sanang makasama ka habang-buhay," magalang na tugon ni Aiapaap.

"Baka nangangarap ka?" ang nakangiting tugon ng dalaga.

Sa maikling kuwento ay nagkaigihan ang dalawa. Nagkasundo silang pakasal, Umuwi si Alapaap upang" sunduin ang kanyang mga magulang. Nabalitaan ni Pagtuga ang balak ng dalawa kaya't gumawa siya ng paraan upang sagkaan ito. Tinipon niyang lahat ang kanyang mga tauhan at binihag si Raha Makusog. Sinabihan niya si Daragang Magayon na pakakawalan lamang ang kanyang ama kung siya ay papayag na pakasal kay Pagtuga. Napilitang sumang ayon ang dalaga alang-alang sa kaligtasan ng ama.

Alamat ng Ilang-ilang

Alamat ng Ilang-ilang


Dati-rati ang puno ng ilang-ilang ay hindi namumulaklak bagama't malago ang mga dahon. Ngayon, kakaunti ang mga dahon ngunit hitik sa bulaklak. Dilaw, makitid ang mga talulot at napakabango ng mga bulaklak. Madalas na isinasama ito sa kwintas na sampaguita, palawit sa gitna, upang makadagdag ng ganda at halimuyak.

Iyan ang ilang-ilang at may alamat tungkol sa bulaklak na iyan.

May isang magandang dalaga na naninirahan sa baybayin ng Lawa ng Taal. Mahigpit na magkaribal sa panliligaw sa kanya  sina Lino at Binong. Ang napusuan ni Ilang ay si Lino dahil maginoo at masipag.

Isang umaga, dumating ang binata sa tahanan ni Ilang para magpaalam. Mga dalawang araw daw siyang mawawala dahil sasama siya sa mga mangangaso sa kabilang ibayo.

"Pagbalik ko," sabi ng binata, "hihingiin ko na ang kamay mo sa iyong Inang at Tatang. Pakakasal na tayo marahil sa isang buwan."

Noong hapong iyon, nabatid ni Binong na wala sa nayon ang karibal. Nagpunta siya agad sa bahay ng dalaga. Nagkataong nag-iisa naman ito dahil ang ama't ina ay nasa sakahan.

"Naparito ako upang patunayan muli sa iyo ang aking pagmamahal," sabi ni Binong sa sinisintang dalaga.

"Hindi ba't sinabi ko na sa iyo na naisanla ko na ang aking puso kay Lino? Sa katunayan nga ay malapit na kaming ikasal."

"Hindi maari. Ako ang dapat na maging asawa mo. Si Lino'y mahirap pa sa daga. Wala siyang ipakakain sa iyo."

"Siya ang aking mahal. Umalis ka na. Baka abutan ka pa ng aking ama ay masama ang mangyayari sa iyo," galit na sabi ni Ilang.

"Masama pala. Kaya kukunin kita ngayon. Sa ayaw mo't sa gusto, isasama kita," at pilit na niyakap ng buhong na lalaki ang dalaga. Nanlaban si Ilang. Kinagat ang ilong ng binata at itinulak ito.

Nasaktan si Binong at sa malaking galit, kinuha sa lukbutan ang balisong at sinaksak ang dalaga. Habang tumatakbong palabas ng bahay, sumigaw ang salbaheng lalaki.

"Kung hindi ka mapasaakin, walang ibang makaaangkin sayo."

Sa laki ng galit ni Lino nang mabalitaan ang nangyari, tutugisin sana si Binong at ipaghihiganti ang kanyang mahal ngunit napayuhan ng mga kamag-anak.

"Bayaan nating ang may kapangyarihan ang umusig sa kanya."


Inilibing si Ilang sa libingan ng bayan. Buong araw na binantayan ng nagdadalamhating binata ang kanyang puntod.

"Mahal kong Ilang, sana'y hindi ako lumayo. Patawarin mo ako. Sana'y hindi ito nangyari," taghoy niya.

Kinabukasan, nang balikan niya ang libingan ng dalaga, napansin niyang nagkalat sa puntod ang maraming bulaklak. Nalaglag ang mga ito sa punong nakayungyong sa puntod.  Dati-rati ay wala itong bulaklak; ngayon tiningala ng binata ang marami, naninilaw sa itaas ng puno.

Tinawag ng mga taganayon na ilang-ilang ang mabangong bulaklak sa paggunita sa mabait na si Ilang.

Alamat ng Ibong Maya

Alamat ng Ibong Maya


Bukod sa pagiging malikot, matigas pa ang ulo ng batang si Maria. Hindi masunurin. Hindi niya pinapansin ang mga bilin ng kanyang ina, tulad ng madalas sabihin nito, "Huwag kang kakain ng bigas. Kailangang lutuin muna iyan at magawang kanin bago kainin."

Isang araw, pagkagaling ni Maria sa laruan, nakita niyang nagbabayo ng palay ang ina. Pinanood niyang sandali ang pagbabayo.

Pagkakabayo, ang bigas ay inilalagay ng ina sa isang malaking bigasan at tinatakpan ng bilao.


Nang nakatalikod ang ina, inangat ni Maria ang bilao at pumasok siya sa malaking bigasan. Hindi namalayan ng ina kaya nakakain siyang mabuti ng bigas sa loob ng lalagyan.

Natapos ang ina sa pagbabayo. "Nasaan na naman kaya si Maria?" ang kanyang tanong.

"Siguro ay bumalik na naman sa laruang lugar. Mabuti pa'y magsaing na muna ako at makakain kami ng maaga."

Nang buksan niya ang bigasan, may lumipad na palabas na munting ibon. Ang kulay ng balahibo ay katulad sa baro ng anak.

Si Maria ay hindi na nakita at hinaka ng mga tao na ang ibong galing sa lalagyan ng bigas ay siya at wala ng iba pa.

Ang itinawag sa ibon ay maya, galing sa pangalang Maria.

At iyon ang alamat ng Ibong Maya.

Alamat ng Paruparo

Alamat ng Paruparo


Magkapatid sina Rona at Lina ngunit magkaibang-magkaiba ang ugali nila. Masipag si Rona ngunit si Lina ay walang inaatupag kundi ang magpaganda.

Habang naglilinis ng bahay, nagluluto o naglalaba si Rona, si Lina ay nasa harap ng salamin, nagsusuklay, at nag-aayos lagi ng sarili.

"Ate, tulungan mo naman ako. Ang dami kong labahing damit. Karamihan naman ay sa iyo," sabi ni Rona sa kapatid isang umaga.

"May gagawin pa ako. Kayang kaya mo naman iyan." Naisip ni Lina na pipitas na siya sa hardin ng bulaklak na maipapalamuti sa kanyang buhok.

Pumunta na nga si Rona na mag-isa sa tabing ilog para maglaba. Si Lina ay bumaba sa kanilang hardin sa harapn ng bahay. Habang pinipili niya kung aling bulaklak ang magandang iipit sa buhok, may matandang babae na lumapit sa tarangkahan.

 
"Ineng, maari mo ba akong malimusan?" samo ng matanda.

"Wala! Wala akong maililimos," pakli ni Lina na patuloy sa paghahanap ng mailalagay sa buhok.

"Kahit na kapirasong tinapay. Ako lamang ay gutom na gutom na."

"Sinabi nang wala!" sigaw ni Lina, sabay pagpitas sa isang bulaklak na maganda ang kulay.

Nagalit ang matanda "Hindi ka lang pala tamad, maramot ka pa at walang galang sa matanda. Gagawin kitang tulad niyang hawak mong bulaklak ngunit isang kulisap."

Engkantada pala ang matandang babae.

Nang bumalik sa bahay si Rona, hinanap niya ang kapatid. Pumunta siya sa hardin dahil alam niyang mahilig ito sa mga bulaklak. Subalit wala si Lina. Ang napasin ni Rona ay ang paruparong lumilipad-lipad sa ibabaw ng mga bulaklak.

At iyon ang alamat ng paruparo.

Ang Alamat ng Pakwan

Ang Alamat ng Pakwan


Kaawa-awa ang batang si Juan. Ulila siya sa ama at ina. Nakatira siya sa kanyang tiya at tiyo. Mga pilyo, tamad, at masasama ang ugali ng kanilang mga anak. Malupit sila kay Juan. Sinisigawan, pinapalo at pinagtatawanan nila si Juan kapag nagkakamali ito. “Pak-Juan” ang tawag nila sa pinsan na ang ibig sabihin ay pangit si Juan.

Malaki ang ulo ni Juan. Maiitim ang kanyang mga ngipin at mapupula ang kanyang makakapal na labi. Ngunit mabait, masipag at matulungin si Juan. Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong maghapon. Naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata, at nagliligpit ng kinainan.

Minsan, nabasag ang hinugasang pinggan ni Juan. “Wala kang ingat, maghuhugas ka lang ng pinggan ay mababasag pa”, sigaw ng kanyang tiya. Pinagtawanan siya ng kanyang mga pinsan, “ha-ha-ha, Pak-Juan! Pak-Juan!”, ang paulit-ulit na biro ng mga pinsan.

Hindi na nakatiis si Juan. Umiiyak siya. Tumawag siya at nanalangin sa Poon. “Kung maari kunin mo na po ako! Hirap na hirap na po ako!”

At biglang nagdilim ang langit! Bumuhos ang malakas na ulan. Kumidlat at kumulog. Kinabukasan, di na nakita ng mag-anak si Juan.

Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto. Nagsisi ang mga anak. “Juan, sana’y mapatawad mo kami”, ang sabi nila sa sarili. Nagbago sila ng ugali. Inalagaan nila ang halaman. Tinawag nila itong Pak-Juan. Sa paglipas ng mga araw, nang Pakwan ang tawag sa halaman. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.

Alamat ng Bulkan Taal

Alamat ng Bulkan Taal


Mayroong isang Datu na bukod na kapita-pitagan ang kanyang reputasyon,mabuti siyang pinuno, maayos at maganda ang pamamalakad sa kanyang nasasakupan. Datu Balinda ang tawag sa kanya. Ang kanyang balangay ay matatagpuan din ang balangay ng Batangan.

Isang nililiyag na anak na babae ang madalas pagtuunan ng Datu. Bukod sa kaisa-isa lamang, magigiliw ka sa taglay nitong katangian. Maganda, mayumi at mahinhin si Taalita at mapagmahal sa sariling tradisyon at kultura. Prinsesa Lita o Taalita ang tawag sa kanya, na ang kahulugan ay Taal sa Tagalog at puspos ng ugaling kinagisnan.

Dahil ang tirahan nila ay malapit sa lawa, nakahiligan ng Prinsesa Taal ang mamangka pagmalapit ng lumubog ang araw sa Lawa ng Bunbon. Dahil siya ay isang Prinsesa tinatanuran siya ng kanyang alipin at mga abay.

Mayroong isang pagkakataon, pagkatapos mamangka ay luhaang humarap si Prinsesa Taal sa kanyang ama na si Haring Balinda:

“Ama kong Datu, mapatawad po sana ninyo ako. Mayroon po akong kasalanan na nagawa. Pagkagalit ay huwag mo sanang magawa.”

“Anak, bakit ka umiiyak ano ba ang nagawa mong pagkakamali?”
“Mahal kong ama, nahulog po ang singsing ko sa lawa habang ako’y namamangka,” sagot ni Prinsesa Taal, na animo’y nahihintakutan.

“Ano! Dapat ay naging maingat ka. Iyan na lamang ang bagay na nagpapaalala sa amin ng iyong ina ng aming pagmamahalan. Ilan ninuno na natin ang napasali-salin sa singsing na iyan. Saksi iyan ng aming sumpaang binigkis ng nasira mong ina.”

“Alam ko pong napakahalaga ng singsing na iyon. Minahal at pinakaingat-ingatan ko ang singsing na iyon gaya ng pagmamahal ko sa aking ina,” sagot ni Prinsesa Taalna lumuluha.
Lumuhod si Prinsesa Taal sa harap ng ama.

“Anak, tumayo ka at huwag ng lumuha. Naguguluhan lamang ako sa narinig kong balita mula sa iyo. Alam mo bang ang singsing na iyon ay ibinilin pa sa akin ng iyong ina bago siya namatay. Sinabi nya sa akin na ipagkaloob ko sa iyo tanda ng kanyang pagmamahal at pag-alala sa iyo!”

“Tumahan kana anak at ang pagkakagalit ko’y kinalimutan ko na,” paamong wika ng Datu.
Niyakap ng Datu si Taal, na halos maiyak sa sandaling iyon.

“Huwag kang mabalisa, hahanap tayo ng magagaling lumangoy upang sisirin ang nahulog mong singsing. Maibabalik rin ang singsing at maisusuot sa daliri mo,” paliwanag ng Datu.
“Salamat ng marami po, Ama ko. Ako po’y nagagalak sa pang-unawa ninyo.”

Ilang sandali pa ang lumipas. “Anak, hindi ba dapat ikaw ay mag-asawa na. Nasa tamang edad kana para lumagay sa tahimik. Matanda na rin ako at kailangan ko ang isang matapang na Datu na siyang hahalili sa akin. Kailangan mo rin ng makakasama kapag ako ay lumisan na,” pakiusap ng Datu.

“Siya pong mangyayari Ama ko,” Sagot ng Prinsesa.

Nagpaanunsyo kaagad ang Datu saan mang dako upang ipahayag ang kanyang nilalayon. Ipinaalam sa madla na kung sino ang makakakuha sa singsing na nahulog sa lawa ng Bunbon ay siyang mapapangasawa ng mayuming prinsesa. Ang balitang ito ay agad kumalat saan mang dako ng kapuluan. Maraming dugong bughaw ang dumating mula sa iba’t ibang lugar. Kasama rito ang mga Morong Datu mula sa Jolo at Tawi-tawi. Hindi rin nagpahuli ang angkan ni Bukaneng mula sa Kabisayaan at Kabikulan. Hindi rin nagpadaig ang Kapampangan at dumating si Datu Pisot upang subukan ang kapalaran. Sa sinamang palad walang sinuman ang nagtagumpay  upang maibalik ang singsing ng prinsesa.

Marami ang araw na lumipas sa paghihintay ng mag-ama. Pagkainip ang kanilang naramdaman.
Di kalaunan ay may isang Datu ang humingi ng tulong sa mga anito. Panalanging tulungan siyang masisid ang nawawalang singsing mula sa Prinsesa. Datu Mulawin ang ngalan ng lalaki at nagmula siya sa Nasugbo.

Matiyaga niyang nilusong ang Lawa ng Bunbon. Mula umaga hanggang hapon. Walang tigil sa paglangoy.

Habang sa pagsisid ni Datu Mulawin ay may nahuli siyang buteteng laot na malaki ang tiyan. Nagtaka ang lalaki dahil sa maliit na butete ay malaki na agad ang tiyan nito. Ginawa niyang hiwain ang tiyan nito upang malaman ang laman. Ngunit laking gulat niya ng matagpuan doon ang nawawalang singsing ng prinsesa.

“Isang himala ito!” laking tuwa ni Datu Mulawin. “Ito kaya ang tugon sa panalangin ko at magandang hangarin sa Prinsesa Taal?”

Kaya’t ang pangako ng Pinunong Datu ay nangyari. Agad ipinakasal si Prinsesa Taal kay Mulawin. Nagdiwang ang buong balangay. Mayroon sayawan at kantahan. Lahat maligaya sa nangyaring okasyon. Ang pagsasama ng mag-asawa ay nasaksihan ng buong balangay at ang magandang pamamalakad ni Datu Mulawin. Masayang masaya si Prinsesa Taal sa piling ng asawa.
Subali’t ang pagsasama ay hindi laging masaya. Madalas ay may problema ring dumadating na siyang nagiging balakid sa pagsasama.

Isang gabi, maliwanag ang sikat ng buwan,namasyal ang mag-asawa. Ang gabing iyon ang simula ng gulo sa kanilang pagsasama.

Mayroong isang matandang nuno pala ang nagmamay-ari ng Lawa ng Bundon. Matagal niyang sinusubaybayan ang takbo at pangyayari sa palasyo at ang masayang pagsasama nina Datu Mulawin at Prinsesa Taal. Ang matandang nuno pala ay naiinggit sa sarap ng buhay sa palasyo at masayang pagsasama ng mag-asawa.

Nang gabi ring iyon ay namangka ang mag-asawa sa lawa. Habang sumasagwan si Datu Mulawin, siya namang kumakanta ang Prinsesa kasabay ang tugtog ng kumintang.

Nang makita ng Prinsesa ang magandang bulaklak ng lotus, dahil nabighani ito, pilit niyang inabot. Sa Kasamaang-palad ang prinsesa ay nahulog at lumubog. Mabilis namang tinalon ni Datu Mulawin ang asawa upang sagipin. Subalit, kapwa sila lumubog. Lumubog sila dahil sa kapangyarihan ng matandang nuno na binalak silang mapinsala.

Ang mga alipin na nakakita sa pangyayari ay agad ibinalita sa mga tagaroon. Marami ang nagtangkang sisirin ang dalawa upang makita ang bangkay. Ngunit nabigo silang lahat.

Mula noon, may isang pulo ang lumitaw sa gitna ng Lawa Bunbon. Ang tawag nila rito ay Bulkan Taal. Pangalang ibinigay ng Datung pumalit kay Mulawin. Tanda na rin ito para laging maalala sina Mulawin at Prinsesa Taal.

Ang Alamat ng Kwago

Ang Alamat ng Kwago


Si Tandang Tadong, hari ng karamutan ay nag-iisang naninirahan sa gitna ng bakurang puno ng halaman. Madalas ay hitik ng bunga ang kanyang puno ngunit walang maaaring humingi dito dahil ubod ng damot ang matanda.
"Ipinagbibili ang mga bunga dito, hindi ipinamimigay." Iyan lagi ang sabi ni Tandang Tadong kapag may nagkamaling humingi.
Isang umaga, may isang matandang babae na hindi taga-nayon na napaligaw doon. Habang naglalakad siya ay napadako sa may harapan ng bahay ni Tandang Tado. Nagkataong nakakaramdam narin ang babae ng gutom at pagod dahil sa mahabang paglalakad.
"Kay dami ng bunga ng bayabas! Mura lang naman ito, palagay ko'y maaari akong humingi ng kahit isa o dalawa sa may-ari."
"Hindi! Hindi ipinamimigay ito. Bukas lang ay darating na ang suki kong tagabayan at bibilhing lahat ang mga bayabas na ito."
"Kahit na sana isa lamang." samo ng babae
"Sinabing hindi! Wala! Pinaghirapan ko iyan at hindi ko ipinamimigay sa iba." Sabay talikod ang lalaki at umakyat na sa kanyang bahay.
Noon na ang huling pagkakita ng mga tao kay Tandang Tado.

Pagkaraan ng ilang araw ng pagtataka dahil sa walang nakakakita sa matanda, sinubukan ng isang bata na pumitas ng nakalawit na bayabas. Walang nagalit.
Binuksan nila ang pinto ng bahay. Biglang lumipad na palabas ang isang ibon. Napansin ng mga bata na malalaki ang mata at tila naghahanap o di kaya ay nagbabantay.
"Anong ibon iyon?" Tanong nila.
"Kamukha ni Tandang Tado."

Naging Kuwago nga si Kadyo ngunit hanggang ngayon ay binabantayan parin ang mga bunga na ipinagmamaramot niya. 
At iyon ang alamat ng Kuwago.

Mga Aral ng Kwento:
  • Huwag madamot sa ano mang meron ka, mas pagpapalain ng Panginoon ang taong mapagbigay.
  • Ano mang bagay sa mundo ang Dios ang may likha kaya dapat lang na ating maibahagi sa kapwa.


Alamat ng Ampalaya

Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.

Mga Aral ng Kwento:
  • Walang mabuting naidudulot ang inggit.
  • Nilikha tayo ng Diyos ng may iba’t-ibang katangian kaya maging kuntento tayo at iwasang ikumpara ang sarili sa iba.

Alamat ng Pinya

Alamat ng Pinya

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal na mahal ni Aling Rosa ang kanyang bugtong na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw. Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni Pinang na alam na niyang gawin ang mga itinuturo ng ina. Kaya’t pinabayaan na lang niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi siya makabangon at makagawa ng gawaing bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng lugaw. Isinalang ni Pinang ang lugaw ngunit napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay dumikit sa palayok at nasunog. Nagpasensiya na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman siya kahit paano ng anak.

Nagtagal ang sakit ni Aling Rosa kaya’t napilitan si Pinang na gumagwa sa bahay. Isang araw, sa kanyang pagluluto hindi niya makita ang posporo. Tinanong ang kanyang ina kung nasaan ito. Isang beses naman ay ang sandok ang hinahanap. Ganoon ng ganoon ang nangyayari. Walang bagay na di makita at agad tinatanong ang kanyang ina. Nayamot si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya’t nawika nito:

“Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang lahat ng bagay at hindi ka na tanong nang tanong sa akin.”

Dahil alam niyang galit na ang kanyang ina ay di na umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala si Pinang sa bahay. Nabahala si Aling Rosa. Tinatawag niya ang anak ngunit walang sumasagot. Napilitan siyang bumangon at naghanda ng pagkain.

Pagkaraan ng ilang araw ay magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap niya si Pinang. Tinanong niya ang mga kapitbahay kung nakita nila ang kanyang anak. Ngunit naglahong parang bula si Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si Pinang.

Isang araw, may nakitang halaman si Aling Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam kung anong uri ang halaman iyon. Inalagaan niyang mabuti hanggang sa ito’y magbunga. Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita ang anyo ng bunga nito. Ito’y hugis-ulo ng tao at napapalibutan ng mata.

Biglang naalaala ni Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pinang, na sana’y magkaroon ito ng maraming mata para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik na nanangis si Aling Rosa at laking pagsisisi dahil tumalab ang kanyang sinabi sa anak. Inalagaan niyang mabuti ang halaman at tinawag itong Pinang. Sa palipat-lipat sa bibig ng mga tao ang Pinang ay naging Pinya.

Mga Aral ng Kwento:
  • Huwag palakihing tamad ang mga anak. Dapat bata palang ay turuan na ng tamang asal at ituwid kung nakakagawa ng kamalian para hindi kasanayan.
  • Gumamit ng mga mata at hindi bibig sa pag hahanap ng mga bagay. Hanapin muna ng mabuti bago sabihin na hindi mo nakita ang iyong hinahanap.
  • Sundin ang mga nakatatanda lalo na ang ating mga magulang sapagkat ito ang nais ng Diyos. 
  • Mas mabuti na maging masunurin kaysa sa masuwayin o reklamador.

Alamat ng Saging

Alamat ng Saging

Sa isang nayon ay may mag-anak na tahimik na namumuhay. Ang lalaki’y si Mang Gino at ang babae’y si Aling Pasing. Ang kaisa-isa nilang anak ay si Tina. Lumaking maganda si Anakaya’t maraming nangibig sa kanya. Ngunit mataas ang pangarap ng mga magulang para sa kaisa-isang anak. Kaya kapag mahirap na binata ang pumapanhik ng ligaw sa dalaga ay pinapakitaan ito ng masamang mukha ng mag-asawa. Malimit pang pagparunggitan ang mga maralitang mangingibig na sayang lamang ang taglay na kagandahan ng kanilang anak kung ang magiging kapalaran nito ay isa lamang maralitang isang kahig isang tuka.

Kabilang sa mga naakit kay Anaay si Carding. Makisig siyang binata, may magandang asal, at may likas na kabaitan. Ngunit siya ay isa lamang maralitang magsasaka kaya’t sa kabila ng mga katangian ng binata ay tutol na tutol sa kanya ang mga magulang ni Tina. Sa kabila ng pamimintas sa binata ng mga magulang ng dalaga ay tinanggap pa rin ni Anaang iniluluhog na pag-ibig ni Carding.

Nagsumpaan silang walang magtataksil at tanging kamatayan lamang ang maaaring humadlang sa kanilang pag-iibigan. Lihim na lihim ang kanilang pagsusuyuan sa pangambang malaman ito ng mga magulang ng dalaga.

Ang kagandahan ni Anaay nakaabot sa pandinig ni Don Juan. Siya’y naninirahan sa kabayanan at nang mabalitaan niya ang tungkol sa kagandahan ng dalaga ay ipinasya niyang pagsadyain ito sa nayon. Lulan ng magarang kotse, ang byudong si Don Juan ay nagtungo sa tahanan ng dalaga.

Sa pamamagitan ng pagtatanong ay natunton niya ang tirahan nito. Nakipagkilala siya sa mag-anak at gayon na lamang ang pag-istima ng mag-asawang Mang Gino at Aling Pasing sa mayamang panauhin. Naging madalas ang pagdalaw ni Don Juan at di nagtagal ay nagtapat ng pag-ibig sa dalaga. Tinanggihan ni Anaang inihahandog na pag-ibig nito. Naging mapilit ang byudo kaya’t napilitan ang dalagang tapatin ito na wala siyang pag-ibig dito at ang puso niya’y nakasanla na sa iba.



Ayaw maniwala si Don Juan dahil liban sa kanya, wala raw naman siyang nakikitang pumapanhik ng ligaw sa dalaga. Ito ay sapagkat napakahigpit nga ng mga magulang ni Tina. Sinabi rin niyang hindi siya titigil ng panunuyo sa dalaga, maliban na lang kung mapatutunayan niyang may katipan na nga ito. Sa sandaling mangyari ito, nangako siyang hindi na niya ito gagambalain pa. At kung ipagtatapat ng dalaga kung sino ang katipan nito ay hindi niya sasabihin ang lihim kahit kanino.

Sa kagustuhan ni Anana tumigil na sa panliligaw ang matanda, ipinagtapat niya na si Carding ay kasintahan na niya. Hindi nagpahalata ng sama ng loob ang byudo, ngunit may lihim siyang binabalak upang mapasakanya ang dalaga.

Isang araw na umalis si Anaat sumama sa kaibigan sa pamimili sa kabayanan ay kinausap ng Don ang mga magulang na dalaga. Ipinagtapat niya sa mga ito ang tungkol kina Anaat Carding. Gayon na lamang ang galit ni Mang Gino ngunit sinikap ni Don Juan na mapaglubag ang kalooban ng ama ni Tina. Iminungkahi niya na kung papayag ang mag-asawa ay ibig niyang makasal sila agad ni Tina. Palibhasa’y mayaman hindi tinutulan ng mga magulang ng dalaga ang plano ni Don Juan. Napagkasunduan nilang idaraos ang kasal sa lalong madaling panahon.

Simula noon ay hinigpitang lalo ng mga magulang ang dalaga. Hindi na siya pinalalabas ng bahay nang walang kasama. Ang palaging kasama niya sa anumang pupuntahan ay ang kanyang ina. Ang lihim na pagkikita nina Carding at Anaay naputol. Hindi malaman ng binata ang gagawin upang makausap ang katipan. Malimit na aali-aligid siya sa tahanan ng mag-anak upang masilayan man lamang ang minamahal. Subalit lagi siyang umu-uwing bigo.

Isang tanghali ay nakita niyang mag-isang umalis ng bahay si Aling Pasing. Dala nito ang basket na kinalalagyan ng pagkaing ihahatid sa asawang nag-aararo sa bukid. Dati-rati’y kasama ng ina ang dalaga. Hindi niya ito iniiwang mag-isa sa bahay sa pangambang magtungo roon ang kasintahan at magkausap ang dalawa. Nang tanghaling iyon ay hindi napilit ng ina na sumama si Anasa paghahatid ng pagkain sa bukid. Dumaing ang dalaga na masakit na masakit ang kanyang ulo at nang damahin ng ina ang noo ng anak ay mainit at tila may sinat nga ito.

Pagkaalis ni Aling Pasing ay dali-daling tinungo ni Carding ang tahanan ng mag-anak at nagpatao-po. Nang maulinigan ng dalaga ang tinig ng kasintahan ay pinilit niyang makabangon kahit masamang-masama ang kanyang pakiramdam. Pinatuloy ni Anaang binata at magkaharap silang naupo sa dalawang silyang napapagitnaan ng isang maliliit na mesa sa may tabi ng bintana.

Sabik na nagkumustahan ang magkasintahang matagal-tagal ding di nagkita. Palibhasa’y noon lamang muling nagkita, hindi matapus-tapos ang pagbabalitaan ng dalawa. Libang na libang sila sa pag-uusap at hindi na nila pansin ang kapaligiran. Hindi nila namalayan ang pagdating ng humahangos na si Mang Gino, kasunod ang humahabol na asawa. May nakapagbalita pala kay Mang Gino sa bukid na nasa kanilang bahay si Carding kaya’t napasugod nang uwi ang matandang lalaki.

Galit na galit ang ama ni Anapagkakita sa dalawang nag-uusap sa tabi ng bintana. Hawak ang matalim na gulok ay biglang sinugod ng matandang lalaki si Carding at biglang tinaga ang kamay ng binata na nagkataong nakalawit sa bintana. Palibhasa’y mababa ang bahay ng mag-anak kaya nakuhang abutin ni Mang Gino ang kamay ng binata. Naputol ang kamay ni Carding at bumagsak sa lupa. Napatili si Anaat nawalan ng malay-tao nang makita ang pangyayari.

Sapo ang duguang bisig ay tumakbong pauwi ang binata. Kaagad siyang isinugod sa kabayanan upang dalhin sa pagamutan doon. Subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang binata dahil sa dami ng dugong nawala sa kanyang katawan. Ang kabayanan ay lubhang malayo sa kanilang nayon.

Nang magkamalay si Anaay nasa loob na siya ng sariling silid. Ang namulatan niya sa kanyang tabi ay ang kanyang ina. Itinanong niya rito si Carding at ang kanyang ama. Napahagulgol siya ng panangis nang malaman niyang ang binata ay hindi na umabot sa pagamutan at ang kanyang ama naman ay dinala ng mga maykapangyarihan. Nagpumilit siyang bumangon at hindi napigil ng ina sa paglabas ng bahay. Tinungo niya ang lugar na kinabagsakan ng kamay ni Carding at buong pagmamahal na niyakap ang putol na kamay.

Ibinaon niya ang kamay sa kanyang halamanan. At sa umaga’t hapon sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay hinahaplus-haplos niya ang lupang nakatabon sa kamay ng minamahal habang lumuluhang sinasambit-sambit ang “Carding. Carding.”

Hindi nagtagal ay may tumubong halaman sa pook na iyon at nang mamunga ay katulad na katulad ng mga daliri ng kamay ni Carding. Kumalat ang balita sa nayong iyon at naging paksa ng usapan ang kamay ni Carding. Tinawag ng mga tao ang bunga ng naturang halaman na kamay ni Carding. Nang lumaon ay ipinasya nilang tawagin itong saging.

Mga Aral ng Kwento:
  • Ang pagiging matapobre ay walang mabuting maidudulot kanino man. Kung ang iyong anak ay umibig man sa dukha, maaring ito ay may dahilan. Kausapin ng masinsinan ang anak dahil wala namang bagay na hindi nakukuha sa mabuting usapan. Gayundin naman sa mga anak. Iwasang maglihim sa mga magulang upang maiwasan ang gulo sa pamilya.
  • Huwag maging mapilit lalo na sa pag-ibig. Kung ayaw sa iyo ng taong iyong minamahal, respetuhin ito at huwag nang ipilit ang iyong sarili. Maaaring may ibang taong nakalaan para sa iyo kung ikaw lamang ay marunong maghintay.