Mga Uri ng Tayutay
1.Pagtutulad (simile) – di tiyak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.
- Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang bagay na magkaibaulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa sa pangkalahatang anyongunit may mga pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:
Gaya ng halamang lumaki sa tubig
Ako’y tila isang nakadipang kurus
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
Ang buhay ay tulad ng isang batis
2.Pagwawangis (metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing.
- Ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag ng ibang bagay. ibang bagay. Sa madaling salita, sa pagwawangis ay inaalis ang hambingang salita’t pariralang ginamit sa pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.
Halimbawa:
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanggulan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
Si Elena ay isang magandang bulaklak.
Ellen is a beautiful rose.
Ang mga nangangalaga sa akin ay mga anghel.
Those taking care of me are angels.
Ang kanilang bahay ay malaking palasyo.
Their house is a large palace.
Si Inay ay ilaw ng tahanan.
Mom is the home’s light.
Si Miguel ay hulog ng langit.
Michael is a gift from heaven.
Paunawa: Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaaring palawakin sa isang
pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na maaaring
tipiinnaman sa isang pagwawangis.
Halimbawa:
Pagtutulad: Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANG ANAKI’Y BITUIN.
Pagwawangis: Kaakit-akit ang kanyang mga MATANG BITUIN.
3.Pahalintulad (analogy) – Ito ay isang tayutay na may tambalang paghahambing na nagangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.
Halimbawa:
Ikaw ay tulad ng bituin.
You are like a star.
Ang puso mo ay gaya ng bato.
Your heart is like a stone.
Ang paghahabi ng tela ay gaya ng paghihirap ng isang tao.
Weaving cloth is like the suffering of a person.
Ang paghihintay sa paghinog ng prutas ay gaya ng pagbubuntis.
Waiting for fruit to ripen is like being pregnant.
Ang pag-ibig mo ay parang tubig − walang lasa.
Your love is like water − flavorless.
Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Your promises are like air.
Sa ilalim ng mga dayuhan, ang Pilipinas ay naging parang kalabaw.
Under foreigners, the Philippines became like a carabao.
Ang bandila sa hangin ay kawangis ng malaking ibon na nakaladlad ang pakpak.
The flag in the wind is like a large bird with wings spread out.
Ang ulap ay kawangis ng mukha ng tao.
The cloud is akin to a person’s face.
4. Pahambing (comparison) – Ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa iba, o nagpapalagayna ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o kauring kapwa angkin ng mga ito. Balangkas: S A ay….ni B
Halimbawa:
Pahambing na magkatulad:
-magkasingganda
-magkasinghusay
-magkasinggaling
-parehong makulit
-kapwa magalang
pahambing na di-magkatulad:
-higit na maganda
-lalong mahusay
-mas magaling
-higit na makulit
Tandaan: Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng unlaping
sing-, maging-, at magkasing- at ang iba pang anyong maraamihan ng mga ito,
gayundin ay maaaring gamitan ang gaga o gangga - bilang unalapi sa
hambinganag magkatulad.
5.Pagsasatao (personification) – Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.
- Ito ay tayutay na paglilipatsa katangian ng tao sa mga walang buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga tao na may damdamin, kaisipan, nagsasalita, nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi ring paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.
Halimbawa:
- Humagulgol ang hangin.
- Lumipad ang mga oras.
- Napangiti ang bulaklak sa aking pagdating.
- Sumayaw ang mga bituin sa langit.
- Inanyayahan kami ng ilog na maligo.
- Nagkasakit ang kotse ko.
- Kinindatan ako ng araw.
- Hinalikan ako ng malamig na hangin.
- Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
- Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
- Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6.Paurintao / Paglilipat-wika (transferred epithet) – Ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay o kaisipan, naipapahayag ito ng pang-uri.
- tulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.
Halimbawa:
1 Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.
2 Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.
3 Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.
4 Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.
7.Pangitain (vision) – Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalaman ng isip ay animo’y tunay nakaharap o nakikita ng makata.
Halimbawa:
Tayo na pangarap at ating galain
Ang di nakikitang pook-salimsim
ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo ay magpakpak
ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
sa may panginorin
Sa tulang “Isang Patunguhan” Ni A.G. Angeles
8.Panawagan (apostrophe) – May kagyat na pagputol sa naunang paraan ng pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o bagay, karaniwan nang isang patay o isang harayahing bagay.
Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.
5. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit, Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi
9. Padamdam (exclamation) – Nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.
Irog, sumama ka at kakilala mo!
May ilang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!
Nang ihuhulog na ang kabaong . . . NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!
-Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita” Ni Jose Corazon de Jesus
10.Patalinghaga (allegory) – Ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi tahasang ipinahihiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga talinghaga.
Halimbawa:
“Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadamba, damadamba kapag renda’y hinahatak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak”
Sa tulang “Erotique” Ni Frederico Licsi Espino Jr.
Ang magdamag niya
ay nakipaglamay sa gabing naidlip
na may simulaing
may bigkis na giting na hindi mapabatid;
taglay ang pag-asa
at init, adhikaing hindi rin nanlamig
sa huling hantungang
hihimlayan niyang sariling daigdig
Saknong sa tula ni Graciano Lopez Jaena na Walang pamagat
11.Balintuna (irony) – Ito ay isang tayutay na sa pamamagita nito ang kahulugang patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil sa ang isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya o katuwaan lamang.
Halimbawa:
- Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.
- Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang nakalagay sa misa.
- Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.
12.Pauroy o mapang-uyam (sarcasm) – Ito ay isang tayutay na ipinahihiwatig sa paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay at pangyayari.
Halimbawa:
- Iginagalang. Dinarakila sa gawain niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng balana; siya ay minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, siya ay ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay isang halimaw.
- Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang kanyang ulo.
13.Pagmamalabis (hyperbole) – Ito ay isang tayutay na ang ang kaigtingan ay sobra sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa:
Namuti ang buhok ko sa kahihintay.
My hair turned white from waiting.
Paliwanag: Namuti ba talaga ang buhok? Siyempre hindi. Isa lamang itong paraan ng pananalita, at ito nga ay halimbawa ng pagmamalabis.
Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
The whole world heard your crying.
Paliwanag: Talaga bang narinig ng bawat tao sa mundo ang pag-iiyak niya? Siyempre hindi. Ang ganitong patalinghagang pagpapahayag ay nagbibigay-diin sa ating gustong ipaalam.
Sa halip na simpleng “Talagang mahal na mahal kita.” maaari mong sabihin “Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.”
Paliwanag: Kahit ang iyong pag-ibig ay walang pakpak at hindi makasasakay sa eroplano para umabot sa langit (literal na kahulugan), maiintindihan ng nakikinig ang iyong sabihin.
14.Paradoha (Paradox) – Ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusing lilimiin o ipaliliwanag ay nagpapahayag ng isang katotohanan.
Halimbawa:
“Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay
“Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!”
Kung ito’y totoo, siya ay bulaan. -Lirio G.Mendoza-
15.Pagpapalit-saklaw (Synedoche) – Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
1. Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong baya na tayo’y may pagkakais
16.Pagpapalit-tawag (metonymy) – Ito ay isang uri ng tayutay na gingamit sa pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkakaugnay. Ito’y palasak sa mga karaniwang usapan. “Siya’y laking iskwater”, ibig sabihin nito’y basagulero o palaaway.
Halimbawa:
“Ang pag-ibig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.”
17.Patambis (anithesis) –Ito ay isang paglalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng pangugusap laban sa isa pa na sinasalungat niyon.
Halimbawa:
“Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno,
Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;
Susdod hindi sundang! Punla hindi Punlo!
Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!”
Sa tulang “Pawis Hindi Dugo” ni Teo S. Baylen
18.Patiwas (epigram) –Ito ay isang mahayap o patambis na kasabihan tungo at nagwawakas sa isang malundo o matalinong kaisipan.
Halimbawa:
At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin
Ang tawag ng bayan ay maginoo rin!
Ating pag-uugali nang ang suwi ng saging,
Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!
Mana-manang yaman sa habang panahon,
Walang anu-ano ang bata’y naulol!
At ang mga tao ay nakapagtanong:
“Kakayamang tao, bakit nagkaganon?”
At ang pangyayari ang sumagot naman:
“Iyang ama nya’y baliw nang namatay,
Namana ang pilak, ano’t pagtatakhang
Manahin sa ama pati kabaligtaran
Sa tulang “Ang Maginoo” ni Jose Corazon de Jesus
19.Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mat o pampalitong sinasalita upang maging pahulaan.
Halimbawa:
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsanang pinatay,
Ang buhay kong ingat lalong magtatagal - Kandila
20.Pasaliwa (apostrophe) – Ito ay isang pagsasaliwa ng kinagawian o katutubong ayos ng mga salita.
Halimbawa:
“Ang hilaw na hininog sa pilit ay hilaw pa rin, namnamin man ay mapait,”
Kasabihan:
“Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.” - Simon A. Mercado
21.Pahidwa (oxymoron) – Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng isang bisa sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
Halimbawa:
Noon ko nakitang ANG MALULUNGKOT AY SUMAYA
Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina
No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA
Pagkat sa LUMBAT N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.
22.Pag-uulit (germination) – Ito ay pag-uulit ng isang salita saan mang bahagi ng mga taludtod ng tula.
Aliterasyon - Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.
Halimbawa:
1. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.
2. Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan
3 Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng kanyang pamlya.
4 Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.
5 Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.
Anapora - Pag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang pahayag o ng isang sugnay.
Halimbawa:
- Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
- Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
- Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.
Anadiplosis - Paggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng pahayag o sugnay.
Halimbawa:
Kamatayan ko man siyay aking puriin.
Puriin ko ng siyay angkinin;
Angkinin ko ng siyay mahalin,
Mahalin ko ng kami ay magsaya.
Kailangan kong gawin ng itoy baguhin
Baguhin koman ng itoy magisnan;
Magisnan ng lahat ng matalino,
Matalino ang mas nakakaalam.
Ang lahat na bagay ay siyasatin
Siyasatin ang pinakamahalagang sundin;
Sundin moman na walang gawiin,
Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat.
Epipora - Pag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng sunud-sunod na taludtod.
Halimbawa:
- Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .
- Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.
- Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.
Empanodos o Pabalik na Pag-uulit - Pag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag.
Katapora - Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.
23.Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang gamit o tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.
Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay nakapagdulot ng katiwasayan.
Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay nakagagaan ng loob.
24. Pagtanggi (litotes) – gumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.
1. Siya ay hindi isang kriminal.
2. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.
3 Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.
Pasukdol o Klaymaks – pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.
Halimbawa:
Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.
Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating na ang bagyo.
Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy
Antiklaymaks- paggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.
Halimbawa:
1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.
2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.
3. Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.
Retorika na Tanong- hindi ito nag hihintay ng kasagutan at hindi rin nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
1. May magulang bang nagtatakwil ng anak?
2. May kaligtasan pa kaya si Elisa?
3. Papawi pa ba ang sakit na kanyang naramdaman?
Paralelismo. sa pamamagitan ng halos iisang istruktura, itatag dito ang mga ideya sa isang pahayag.
Halimbawa:
1. Pook na karaniwan ay may tanawin ng mga damo at punongkahoy na ginagamit ng taong bayan para pasyalan.(parke)
2. Kailangan natin ang bahay na tirahan, ang damit na kasuotan at ang pagkaing panlaman ng tiyan.
3. Maging mapanglaw, matamlay, ang kanyang nararamdaman. (malungkot)
Eupemismo. pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar o bastos.
Halimbawa:
1. Kailangan nating bawasan ang mga empleyado. (Tanggalin sa trabaho)
2. Malakas lumamon si NJ. (Malakas kumain)
3. Papawi pa ang sakit ng kanyang naramdaman.
No comments:
Post a Comment